Ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry ay hindi makakapaglaro ng isang linggo. Nagtamo siya ng Grade 1 hamstring strain sa kanilang Game 1 laban sa Minnesota Timberwolves sa Western Semifinals.
Ayon sa koponan, posibleng hindi siya makalaro sa Game 2 hanggang Game 4, ngunit nakadepende pa rin ito sa approval ng team doctor.
Dahil sa pagkawala ni Curry, inaasahang mas magpapakita ng galing si Jimmy Butler na nagtala ng 20 points, 11 rebounds, at 8 assists sa Game 1.
Mahalaga ang susunod na laban kaya't abangan kung makakabalik agad si Curry o kung patuloy na hahakot ng puntos si Butler para sa kanyang team.