Ang isang Chinese fugitive na wanted sa illegal na online gambling ay nahuli ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati. Inaresto si Li Wen Jie, 32, noong April 28, sa kanyang bahay sa Brgy. Bangkal, Makati City.
Ayon sa BI, si Li ay nagpapatakbo ng gambling house gamit ang isang online app na kumikita umano ng higit sa USD 154,000 o mga P8.5 million sa komisyon. Dahil dito, hinanap siya ng mga awtoridad para sa kasong illegal gambling.
Naaresto si Li at dinala sa BI’s detention facility sa Taguig City, habang hinihintay ang kanyang deportation. Hindi na siya papayagang makabalik sa Pilipinas.
Bukod pa rito, sinabi ng BI na si Li ay overstayed sa Pilipinas nang halos dalawang taon, mula noong May 6, 2023.