
Ang Denver Nuggets ay tuluyang sinelyuhan ang kanilang panalo sa Game 7, matapos talunin ang Los Angeles Clippers, 120-101, noong May 4, 2025. Bumawi ang Nuggets mula sa 1-2 series deficit at secured ang Western Conference semifinals spot kontra Oklahoma City Thunder.
Maagang lumamang ng anim na puntos ang Clippers sa first quarter, pero bumawi agad ang Nuggets sa second quarter matapos silang umiskor ng 37-21, at dito na nagsimulang hindi na nila binitiwan ang lamang.
Nagpakitang-gilas sina Russell Westbrook, na nagdala agad ng energy off the bench, Michael Porter Jr., at Aaron Gordon na nangibabaw sa shaded lane. Sa third quarter, nagpaulan ang Nuggets ng 18-2 run na nagpalobo ng lamang sa 22 points. Frustrated na si Coach Tyrone Lue at napa-timeout ng dalawang beses.
Hindi na naka-recover ang Clippers. Umabot pa sa 35 points ang kalamangan ng Denver at tinanggal na ni Lue si Kawhi Leonard sa laro. Kahit nakabawas ng kaunti ang bench ng Clippers, binalik ng Nuggets ang kanilang starters para siguraduhin ang panalo.
Anim na players ng Nuggets ang naka-double digits. Aaron Gordon ang highest scorer na may 22 points, habang sina Christian Braun (21 pts), Jokic, Murray, Westbrook (tig-16 pts), at Porter Jr. (15 pts) ay solid din ang ambag. Sa kabilang banda, Kawhi lang ang nag-step up para sa Clippers. James Harden? Nawawala—7 points lang sa 35 minutes.