Ang mga taga-San Jose del Monte (SJDM), Bulacan ay makakaranas na ng mas malakas na suplay ng tubig matapos makumpleto ng PrimeWater San Jose del Monte, kasama ang partner nitong San Jose del Monte Water District, ang Interconnection Point 2 sa Barangay Muzon.
Layunin ng proyektong ito na ayusin ang pressure imbalance at dagdagan ang tubig sa mga lugar sa lungsod na may maraming tao. Sa nakaraang taon, tumaas ang suplay mula 85.223 MLD (million liters/day) at ngayon ay nasa 122.356 MLD na.
Ayon kay Engr. Lanie Cariño-Quinto, operations head sa North Luzon, tuloy-tuloy ang mga water projects nila para makasiguro na lahat ng subscribers ay may sapat na suplay ng tubig.
Kasalukuyang ginagawa rin ang transmission line extension mula Barangay Tungkong Mangga hanggang Gaya-Gaya, para masakop pati ang mga mataas na lugar (elevated areas).
Tiniyak ng PrimeWater at SJDM Water District na magtutulungan pa sila lalo para mas mapalakas at mapamahalaan ang suplay ng tubig sa buong lungsod, lalo na habang lumalaki ang populasyon.