ANG Aston Martin ay naglunsad ng bagong DBX S, isang high-performance na luxury SUV na may 717 hp at 664 lb-ft ng torque mula sa upgraded na 4L twin-turbo V8 engine. Kaya nitong umabot mula 0-62 mph sa loob lamang ng 3.3 segundo. Ang DBX S ay isang malakas na kombinasyon ng bilis, hawak, at presensya, na may advanced na teknolohiya mula sa Valhalla supercar.
May mga lightweight na pagbabago ang modelo, tulad ng opsyonal na carbon fiber na bubong at bagong magnesium wheels, na nakakatulong para magbawas ng hanggang 104 lbs sa timbang ng sasakyan. Nakakatulong ito para maging mas matalim ang hawak at mas magaan ang pagtakbo ng DBX S. Makikita rin sa exterior ng DBX S ang bago nitong grille, vertical quad exhausts, at mga carbon fiber na detalye.