Ang UAE ay malaki ang taya sa AI (Artificial Intelligence). Kamakailan, inanunsyo ng bansa na gagamitin nila ang AI para sumulat ng mga batas.
Nagiging unang bansa sila sa buong mundo na gagamit ng AI sa paggawa ng mga batas. Inaprubahan nila ang Regulatory Intelligence Office para sa UAE, isang hakbang patungo sa paggamit ng AI sa pagbuo ng mga bagong federal at local laws pati na rin sa pag-rebisa at pag-aayos ng mga existing na batas at iba pang mga proseso. Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, ang layunin ng proyekto ay gawing mas mabilis, tumpak, at mas madali ang proseso ng paggawa ng batas gamit ang teknolohiya.
Simula pa noong 2017, nag-appoint na ang UAE ng AI Minister at ngayon ay itinatag nila ang isang opisina na tututok sa regulatory system ng AI. Ayon kay Sheikh Mohammed bin Rashid al-Maktoum, “Ang bagong legislative system na pinapalakas ng AI ay magbabago sa paraan ng paggawa natin ng mga batas, ginagawang mas mabilis at tumpak ang proseso.” Tinatayang magkakaroon ng market value na $15.7 trillion USD ang AI sa 2030 at inaasahan itong magpababa ng gastos ng gobyerno ng 50%.