Ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) ay naglabas ng pahayag na wala silang kinalaman sa event na ‘Bring Home FPRRD’ na inorganisa ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Taiwan.
Ayon sa MECO, wala silang partisipasyon o kaugnayan sa nasabing pagtitipon na gaganapin sa Dagangqian Park sa Taipei sa Marso 30. Pinayuhan din nila ang publiko na mag-ingat sa maling impormasyon na maaaring makaapekto sa magandang relasyon ng Pilipinas at Taiwan.
Si Duterte ay kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon, na nagresulta sa libu-libong nasawi.