
Isang grupo ng 21 magkakaibigan sa Belgium ang nagwagi ng 123-million-euro o humigit-kumulang P8.5 bilyon sa EuroMillions noong Biyernes. Ang bawat isa ay tatanggap ng €5.8 million o P403 milyon kapag nahati na ang jackpot.
Ayon kay Marianne, isang pensioner at isa sa mga nanalo, "Crying, shaking, looking at my husband, I said, 'what is happening?'" Ikinuwento niya kung paano nila natuklasan ang kanilang malaking panalo. “Nagyakapan kami at nagkasundo: ‘we're going to be wise, don't do anything foolish.’”
Kwento ni Marianne, ang panalo ay magpapagaan sa kanilang buhay. “Ito ay makakatulong sa mga bata at apo para magkaroon ng magandang kinabukasan. Iyon ang pinakamahalaga,” sabi niya sa labas ng bakery kung saan nila nabili ang winning ticket.
Ayon naman kay Redgy Taerwe, ang nagbenta ng winning ticket, ang sikreto sa panalo ng grupo ay swerte. “Bumili sila ng ‘quick pick’ sa halagang 105 euros at iyon na, nanalo sila,” dagdag niya.
Ang halagang €123,555,827 ay isa sa pinakamalaking jackpot sa Belgium. Bagaman malaki, hindi pa rin nito naabot ang all-time record na €168,085,323 noong Oktubre 2016. Isang kwento ng pangarap na naging realidad para sa 21 magkakaibigan!




