
Ang binatilyo ay patay matapos sumemplang ang motorsiklo sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal noong Enero 1 ng umaga.
Ayon sa kaanak ng biktima, nakaangkas siya sa motor na minamaneho ng kaibigan, habang kaangkas ang isa pang kasama, kaya tatlo silang sakay ng motorsiklo. Nawalan umano ng kontrol ang driver kaya sumemplang ang motor, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng barangay.
Agad namang rumesponde ang Barangay Dolores at isinugod sa ospital ang biktima, ngunit kinalaunan ay binawian ng buhay. Nagtamo naman ng galos ang mga kasama niya sa motor.
Ayon pa sa pamilya, nakipag-areglo ang magulang ng biktima sa driver ng motorsiklo at nangakong sasagutin ang burol at libing ng binata.




