
Ang bagong Next-gen Triumph Tiger 950 ay na-spot sa Spain habang isinasailalim sa official testing, at malinaw na may front at rear radar systems. Ito ang unang beses na nakita ang isang mid-size Tiger na may ganitong advanced na teknolohiya, na dati ay makikita lang sa mas malaking Tiger 1200 models.
Makikita agad ang malalaking radar transmitters sa harap at likod ng motorsiklo. Ang front radar ay naka-mount sa ibaba ng windscreen, habang ang rear radar ay nasa itaas ng number plate. Inaasahang susuportahan nito ang mga feature tulad ng blind-spot monitoring, lane-change assist, at posibleng adaptive cruise control at collision warning systems.
Sa chassis side, kapansin-pansin ang bagong swingarm, mas mahabang wheelbase, at trellis subframe na mas bagay sa luggage at pillion use. Batay sa 19-inch front wheel, cast wheels, at mas mababang ground clearance, mukhang GT variant ang unit na ito, habang may nauna ring namataang Rally version na may 21-inch front wheel at Öhlins suspension.
Sa makina naman, inaasahang naka-base pa rin ito sa 888cc three-cylinder engine, ngunit may bahagyang capacity increase. Posibleng manatili ang T-plane crank na may 1-3-2 firing order, para hindi rin ma-overlap ang mas malaking Tiger 1200 lineup.
Sa disenyo, evolution not revolution ang peg—nananatili ang beaky front, matipunong tangke, at Tiger identity, pero mas maliit na LED headlight para bigyang-daan ang radar. Inaasahan ding magkakaroon ito ng six-axis IMU, lean-sensitive electronics, at malaking TFT display para sa riding modes at connectivity.



