
Ang siyam na katao, kabilang ang dalawang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ay inaresto matapos mahuling nagdadala ng mineral ore sa Opol, Misamis Oriental madaling-araw ng Lunes.
Ayon sa pulisya, naganap ang pag-aresto bandang 2:30 ng madaling-araw sa isang checkpoint sa Barangay Limonda. Pinara ng mga awtoridad ang dalawang pick-up truck matapos makatanggap ng ulat na ang mga ito ay may kargang mineral ore.
Kinilala ang dalawang sundalo na sina S/Sgts. Norman Sedrome (47) at Ernesto Warain Jr. (46). Nadiskubre sa mga sasakyan ang 60 sako ng hindi pa napoprosesong mineral na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000. Sasampahan sila ng kaso sa paglabag sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
