Ang adidas ay pinalawak ang pets collection nito sa paglabas ng viral Chinese-style track jacket, na ngayon ay may bersyon na para sa mga alagang hayop. Inilunsad ito bilang bahagi ng selebrasyon ng Lunar New Year, na nagbibigay-daan para mag-match ang humans at pets sa istilo.
Makikita sa koleksyon ang tatlong makukulay na disenyo: festive red, vibrant yellow, at calming blue. Tulad ng adult version, gumagamit ang pet jackets ng traditional Pankou knots imbes na zipper o buttons. Kasama rin sa lineup ang red track T-shirt at metallic adidas Trefoil charm na kahawig ng tradisyonal na Chinese hanging ornament para sa collar ng pets.






