
Ang TikTok at ByteDance ay pumirma na ng kasunduan para bumuo ng TikTok USDS Joint Venture LLC. Inaayos nito ang operasyon ng TikTok sa U.S. at matatapos ang deal sa Enero 22, 2026.
Kasama sa mga pangunahing investor ang Oracle, Silver Lake, at MGX. May hawak silang malaking bahagi ng kumpanya, kaya 80.1% ng negosyo ay nasa kamay ng mga non-Chinese investor. Mananatili ang ByteDance sa 19.9% lang.
Si Oracle ang magiging security partner. Lahat ng U.S. user data ay iho-host sa kanilang cloud, at ang algorithm ay ire-retrain para manatiling ligtas at walang impluwensiya mula sa labas. Para sa 170 million na user sa U.S., tuloy-tuloy lang ang paggamit ng app.




