


Ang Higround at SEGA ay muling nagsama para sa bagong keyboard collection na hango sa Sonic the Hedgehog at sa classic na Dreamcast era. Mas malaki at mas upgraded ang lineup kumpara sa unang collab na agad na sold out.
Kasama sa koleksyon ang limang keyboards mula sa Summit at Basecamp series. Nangunguna ang Summit 65+ na may aluminum body at Dreamcast-inspired na likod. May bagong Dampening Plus system ito para mas tahimik at solid ang tunog.
Para sa mabilis na laro, andiyan ang Basecamp 65HE na may Hall Effect tech at Sonic design. May Basecamp 96+ para sa full use sa mas maliit na space, at dalawang Basecamp 75+ na inspired ng mga sikat na Sonic stages. May kasama ring keycaps at XL mousepads.
Lalabas ang buong Higround x SEGA collection ngayong December 12, 12 p.m. PT sa Higround website, at may piling items din sa Best Buy at Micro Center.




