
Ang Grab Philippines ay nag-anunsyo ng libreng airport shuttle rides ngayong holiday season para mas mapadali ang biyahe ng mga pasahero. Ayon sa kanilang datos, tumatagal ng 20–25% ang mga biyahe dahil sa matinding traffic, habang inaasahan ang 36% na pagtaas ng demand ngayong huling quarter. Dahil dito, mas kaunti ang nagagawang trips ng mga TNVS drivers kada araw.

Para makatulong, nakipagtulungan ang Grab sa New NAIA Infra Corp (NNIC) para magbigay ng free shuttle rides sa mga oras na mahirap makakuha ng Grab car. Kasama rin nilang kausap ang DoTR at LTFRB para masiguro na may sapat na ride options ang mga pasahero ngayong kapaskuhan. Sinabi ni Grab PH Managing Director Ronald Roda na ginagawa nila ang lahat para maging mas maayos ang serbisyo kumpara noong nakaraang taon.

Mag-o-operate ang free shuttle mula 4:00 PM hanggang 1:00 AM sa tatlong weekend: December 5–8, 12–16, at 19–22. Biyaheng NAIA Terminal 3 papuntang One Ayala ang ruta. Pinalakas din ng Grab ang kanilang 24-hour concierge sa Terminal 3 para mas maraming pasaherong matulungan.

Nagsimula rin ang Grab ng “Sabay Sakay” shared rides, kasama ang DOTr, para sa mga rutang Pasig–Makati at Pasig–BGC. Layunin nitong mapuno ang mas maraming upuan lalo na kapag mababa ang ride availability. Kasabay nito, pinapalakas din nila ang Grab Group Rides, kung saan puwedeng mag-share ng link ang host at sabay mag-book hanggang apat na pasahero.
Sa delivery services naman, nag-launch ang Grab ng Party Platters para mas mapadali ang mga bulk food orders ngayong Kapaskuhan. Hati-hati ang mga order sa maraming riders para hindi mabigatan ang isang driver at para masigurong mabilis at maayos ang delivery kahit sabay-sabay ang demand.




