
Ang Commission on Audit (COA) ay nag-ulat na may P14.4 milyon na hindi pa nababawi ng Office of the President (OP) mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ay gastos sa foreign travel na in-advance ng Palasyo simula pa noong 2022.
Ayon sa 2024 audit report, ang OP ang nag-book ng airfare at hotel para sa mga opisyal na sumama sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa. Ngunit hindi agad nagbayad o nag-reimburse ang kanilang mga ahensya.
Umabot sa 11 trips abroad ang ginawa ni Marcos noong 2024, kasama ang pulong sa United States at Japan. Lumobo ang P14,403,827.6 na receivables dahil “nanatiling uncollected” hanggang Dec. 31, 2024. Ilang ahensyang may utang ay ang BIR, DA, DOF, at DFA.
Nanawagan ang COA sa Palasyo na magpatupad ng mas malinaw na sistema sa billing at monitoring. Ilan sa rekomendasyon ay ang pagkakaroon ng billing policy, formal agreements bago sumama sa trips, at mas maayos na pag-monitor sa mga unpaid receivables.
Sinabi naman ng Malacañang na demand letters ay naipadala noong April 2025. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa 55% o P7.88 milyon na ang nakolekta, at may deadline na ibinigay para sa natitirang balanse.




