
Ang Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil ay sumuko sa Pasig Regional Trial Court Branch 265 at nagpiyansa para sa kanyang graft charges na may kinalaman sa kontrobersyal na POGO hub sa bayan ng Porac. Nag-submit siya ng ₱630,000 cash bond, kaya binawi ng korte ang warrant of arrest laban sa kanya. Nakatakda ang kanyang arraignment at pre-trial sa December 11, 1:30 PM.
Sinabi ni Capil na hindi siya nagtago at sumusunod lamang siya sa tamang legal process. Nagpasalamat siya sa kanyang pamilya, kaibigan, at mga taga-Porac sa kanilang suporta. Ayon pa sa kanya, handa siyang maglingkod muli sa mga Poraqueño.
Nahaharap si Capil sa pitong bilang ng graft matapos umanong payagan ang illegal na operasyon ng Lucky South 99 POGO noong 2024. Noong Abril, nakita ng Ombudsman na may gross neglect of duty siya at inutos ang kanyang dismissal, forfeiture ng retirement benefits, at lifetime ban sa anumang posisyon sa gobyerno. Sa kabila nito, na-re-elect siya bilang mayor noong Mayo.
Ayon sa korte, ang rekomendadong bail ay ₱90,000 para sa pitong kaso at maaaring bayaran sa pamamagitan ng corporate surety, property bond, cash deposit, o recognizance batay sa Rule 114 ng Rules of Court.




