
Ang TOHO Animation ay nag-anunsyo ng bagong Godzilla anime series na kasalukuyang ginagawa kasama ang Studio Orange at Igloo Studio. Tampok dito ang batang may kapangyarihan ni Godzilla, isang bagong direksyon para sa franchise.
Sinabi ni Keiji Ota, ang Chief Godzilla Officer ng TOHO, na ang serye ay magpapakita ng mas malalim na kwento ng takot at pag-asa, dahil sa kakaibang konsepto ng pagkakaroon ng batang may Godzilla powers. Naglabas din sila ng unang concept art sa Anime Festival Asia Singapore 2025.
Huling Godzilla animation na inilabas ay ang Godzilla Singular Point noong 2021 sa Netflix. Umikot iyon sa pagsasanib-puwersa nina Mei Kamino at Yun Arikawa para imbestigahan ang biglaang paglitaw ng mga halimaw sa buong mundo.
Sa ngayon, wala pang dagdag na detalye tungkol sa bagong proyekto. Manatiling nakaabang para sa mga susunod na update.




