Ang OpenAI ay naglabas ng bagong web browser na tinatawag na ChatGPT Atlas. Ito ay eksklusibo sa macOS at kailangan ng Mac na may M1 chip pataas. Sa Atlas, makaka-access ka agad sa ChatGPT nang hindi na kailangang lumipat sa ibang apps o browser tabs.
Gumagamit ang Atlas ng ChatGPT Search upang sagutin ang mga tanong batay sa konteksto ng website na binibisita mo. Maaari rin itong gumawa ng summaries at tumulong sa ilang tasks batay sa tanong mo. Halos katulad ito ng Google Search at Gemini, pero mas pinapabuti ng Atlas ang sagot gamit ang nakaraang ChatGPT conversations mo.

Para sa may ChatGPT Plus, Pro, at Business subscriptions, puwede gamitin ang Agent mode. Dito, puwede nang gumawa ng tasks ang Atlas para sa’yo, gaya ng research, pag-analyze ng impormasyon, at pati na online grocery ordering.
Bagamat mukhang pwedeng palitan ang kasalukuyang browser mo, may ilang limitasyon ang Atlas: hindi ito makakagawa ng downloads, hindi puwedeng mag-run ng extensions o code, at hindi rin puwede kumonekta sa ibang apps. Sa madaling salita, ito ay browser na independent at self-contained.