
Ang Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI) ay maglulunsad ng pagbabago sa kanilang dealership network para mas mapalawak ang abot at mas mapabuti ang serbisyo sa mga customer.
Simula Enero 1, 2026, ang mga dealerships na pinamamahalaan ng ACMobility ay ililipat sa Gateway Group at Borromeo Motoring Group (BMG), parehong may karanasan sa automotive retail.
Ang Gateway Group ang mamamahala sa Honda Cars Makati, Cebu, Negros, Cagayan De Oro, at Alabang, habang ang BMG naman ang hahawak sa Honda Cars Bacoor, Pasig, Mandaue, at Iloilo.
Bukod dito, magtatayo rin ang HCPI ng bagong subsidiary na magpapatakbo ng Honda Cars Shaw. Layunin nitong mas mapataas ang kabuuang customer experience sa lahat ng dealerships sa bansa.
Ayon kay HCPI President Rie Miyake, may mataas silang tiwala sa mga pagbabagong ito. “Sa pagtutulungan ng bagong subsidiary at mga bagong at kasalukuyang dealer partners, masisiguro naming maipapakita ang dedikasyon ng Honda sa kasiyahan ng customer.”




