
Ang Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo ay bumalik sa Pilipinas mula Thailand at dumating sa NAIA nang 1:30 a.m. Martes. Mainit siyang sinalubong ng supporters na naghintay hanggang madaling-araw para sa kanya.
Nagpasalamat si Ahtisa sa lahat ng nagbigay ng support, pagmamahal, at tiwala, at umaasang mananatili ang kanilang suporta kahit tapos na ang kanyang pageant journey. Inilarawan niya ang Miss Universe experience bilang isang “amazing journey”, at pinuri ang Thailand, ang kanilang tao, kultura, at pagkain.
Tungkol sa mga isyung lumabas sa MUO at sa mga haka-haka sa resulta ng pageant, sinabi ni Ahtisa na mahalagang tanggapin ang resulta dahil ito ang opisyal na inanunsyo ng organisasyon. Para sa kanyang susunod na plano, sinabi niyang magpapahinga muna siya at ipagpapatuloy ang trabaho kasama ang mga advocacy groups tulad ng Save the Children.




