
illegal online gambling sa pamamagitan ng bagong partnership kasama ang Digital Pinoys, isang civil society group.
Sa ilalim ng kanilang memorandum of agreement, parehong grupo ay magsasama ng lakas para magkaroon ng mas malinaw na direksyon at mas mabilis na aksyon laban sa paglaganap ng online sugal. Ito ay kasunod ng ilang hakbang ng CICC nitong mga nakaraang buwan, kabilang ang pagbibigay ng ultimatum sa mga social media influencers na nagpo-promote ng online gambling.
Kamakailan, ibinigay ng CICC sa PNP Anti-Cybercrime Group ang listahan ng mga influencers na sangkot sa promosyon ng online gambling para sa case build-up at posibleng pagsasampa ng kaso.
Ayon kay Renato Paraiso, executive director ng CICC, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang tuloy-tuloy na national push para protektahan ang mga mamamayan. Sa tulong ng Digital Pinoys, mas malalakas ang shared intelligence, mas malawak ang public engagement, at mas mabilis ang pagtugon sa cyber-enabled crimes.
Sinabi rin ni Paraiso na ang partnership ay hindi lang laban sa illegal online gambling, kundi para rin mas maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba pang cyber threats na posibleng makaapekto sa kanilang pera, privacy, at online safety.




