
Ang Ford Ranger Raptor V6 ay patuloy na kinahuhumalingan ng maraming Pilipino. Sa loob ng isang taon mula nang ilabas ito, umabot na sa mahigit 1,000 owners ang 3.0 Twin Turbo V6 model. Una itong ipinakita sa PIMS noong nakaraang taon, at dahil sa matinding demand, ginawa itong regular na bahagi ng lineup ng Ford Philippines.
Ayon kay Pedro Simoes, President ng Ford Philippines, napakaganda ng naging pagtanggap ng mga customers. Para raw sa maraming Pinoy, ang Raptor V6 ay parehong performance pickup at daily companion na swak sa iba’t ibang lifestyle. May 3.0L twin-turbo EcoBoost engine, 10-speed automatic, 397 hp, at 583 Nm torque—kaya nitong mag-deliver ng lakas para sa city at off-road trips. May FOX shocks at Baja mode din para sa mas confident at exciting na biyahe.
Isa sa mga unang may-ari, si Angel Santiago, ay gumagamit ng V6 para sa mga biyahe papunta sa clients, opisina, at project sites. Kahit may 2.0L diesel Raptor na siya, mas pinipili niya ang V6 dahil ginagawa nitong mas enjoyable ang mahahabang oras ng pagmamaneho. Ganito rin ang karanasan ni Ivan Capati, na nag-drive mag-isa papuntang La Union at Baguio kahit malakas ang ulan. Ramdam daw niya ang stability at comfort ng Raptor V6 kahit may baha sa ilang lugar.
Para naman kay Roger Aventurado, na matagal nang Ford owner, ang Raptor V6 ang “pinakamagandang Raptor” na nagawa niya. Halos araw-araw niya itong ginagamit dahil sa performance at presence nito sa kalsada. Isa pang loyal owner, si Ken Chee, ay nagsabi ring ibang level ang 3.0-liter version kumpara sa Bi-Turbo Diesel, lalo na sa rough roads.
Isa pang proud owner, si Zainal Limpao, ay nagsabing sulit na sulit ang kanyang V6 lalo na nang bumiyahe silang pamilya mula Cavite papuntang Pangasinan. Kahit umuulan, ramdam niya ang tulong ng all-wheel drive at V6 power, kaya naging smooth at enjoyable ang dapat sana’y nakakapagod na long drive.




