
Ang Weeknd ay gumawa ng malaking record matapos lumampas sa $1 billion ang kinita ng kanyang “After Hours Til Dawn Tour.” Ito na ngayon ang pinakamalaking kinita ng isang solo male artist tour sa kasaysayan, kasama ang higit 7.5 million tickets sold mula sa 153 shows sa buong mundo.
Malaki ang naging abot ng tour mula 2022 dahil umikot ito sa North America, Europe, UK, Latin America, at Australia. Bukod sa tagumpay sa kita, nagbigay din si Weeknd ng mahigit $8.5 million sa XO Humanitarian Fund at Global Citizen, na nagpakita ng kanyang malasakit sa global causes.
Isa pang malaking highlight ang 2025 North American leg, kung saan nagkaroon siya ng mahigit 40 sold-out shows. Nag-break din siya ng attendance records para sa R&B male artist sa mga siyudad tulad ng Boston, Denver, at Orlando, pati na rin ng venue records sa U.S. at Canada.
Sa mga siyudad gaya ng New York, Houston, at Seattle, naging top-grossing Black male artist siya sa buong history ng kanilang venues.
Magpapatuloy pa ang tagumpay dahil may mahigit 40 bagong dates para sa 2026, na magsisimula sa Mexico City sa Abril.




