
Ang Cebu province ay bumuo ng task force na tututok sa flood control at drainage system ng probinsya. Layunin nito ang proactive mitigation laban sa mga sakuna.
Ayon kay Governor Pam Baricuatro, kailangan ito matapos magdulot ng malalang pagbaha ang Typhoon Tino, na nagwasak ng mga bahay, imprastruktura, at kabuhayan sa maraming lugar. Hinimok din niya ang pagpapatupad ng Metro Cebu Integrated Flood Control at Drainage System Master Plan.
Ang task force ay pinamumunuan ni Baricuatro at co-chair na si Vice Governor Glenn Soco, kasama ang iba pang opisyal. Saklaw ng kanilang trabaho ang hazard mapping, watershed management, engineering solutions, zoning policies, at climate adaptation measures.
Kasama rin sa tungkulin ng grupo ang pagsuri ng existing drainage systems, waterways, river basins, creeks, canals, at mga lugar na prone sa baha. Sisiguraduhin din nilang naaayon ang mga proyekto sa national standards at best practices.
Bukod dito, magde-develop din ang task force ng early warning at monitoring systems para mas maagang maagapan ang sakuna, lalo na't Cebu ay lubhang naapektuhan ng Typhoon Tino na kumitil ng higit 180 buhay.




