
Ang juvenile reef shark sa Zamboanga ay natagpuang patay habang palutang-lutang malapit sa Sta. Cruz Island. May diaper sa ulo ang pating, na posibleng naging dahilan ng pagkamatay nito, ayon kay Harvey Yap.
Ayon kay Yap, madalas silang sumisid sa Sta. Cruz, isang protected area, para sa kanilang underwater clean-up. Ito na ang ikatlong juvenile reef shark na nakita niya sa lugar.
Ikinuwento rin niya na dalawang hawksbill turtle ang namatay ngayong taon matapos makalunok ng plastic, kahit na nailigtas pa sila noong una.
Nagpapatuloy ang panawagan na aksyunan ang plastic pollution na patuloy na sumisira sa buhay-dagat sa Pilipinas.




