


Ang LEGO Speed Champions ay naglabas ng bagong set na siguradong magugustuhan ng mga tagahanga ng Formula 1 at pelikula. Ipinakikilala ang APXGP Team Race Car, isang 268-pirasong modelo na hango sa “F1 The Movie (2025)”.
Makikita sa set ang itim at gintong disenyo ng kotse, kasama ang mga sticker ng sponsors para sa tunay na F1 look. Para sa mga edad 10 pataas, tampok din dito ang mas malapad na likurang gulong na may Pirelli branding.
Kasama rin sa set ang dalawang minifigures mula sa pelikula — sina Sonny Hayes at Joshua Pearce. Parehong may helmet, wig, at wrench, kaya handa sila sa karera o display.
Ang tapos na modelong kotse ay may haba na 8 pulgada (20 cm) at perpekto bilang display sa iyong desk o shelf.
Ang LEGO F1 APXGP Team Race Car Set ay maaaring i-pre-order ngayon sa halagang humigit-kumulang ₱1,800 sa LEGO online store.




