
Ang Los Angeles Dodgers ay masayang nagdiwang sa Dodger Stadium matapos makuha ang kanilang ikalawang sunod na World Series title. Ang selebrasyon ay ginanap ilang araw matapos ang Game Seven win laban sa Toronto Blue Jays, na nagdala ng tuwa sa mga fans.
Sumakay si Ice Cube sa isang Dodger-blue na kotse habang dala ang bagong Commissioner’s Trophy, kasabay ng musika ni DJ Mustard na nagpatugtog ng mga kantang “California Love” at “Not Like Us,” ang naging anthem ng Dodgers noong nakaraang taon.
Halos matalo na ang koponan sa huling laban noong Nobyembre 1 sa Toronto, ngunit nagpakita sila ng tibay at muling nanalo. Dahil dito, sila ang unang MLB team na nag-back-to-back champion mula pa noong New York Yankees (1998–2000).
Sa espesyal na pagkakataon, Shohei Ohtani at Yoshinobu Yamamoto ay nagsalita sa Ingles sa harap ng fans. Sinabi ni Ohtani, “I’m ready to get another ring next year. Let’s go!” — na nagpasigla sa mga tagahanga at nagbigay pag-asa para sa ‘three-peat’ sa 2026.
Pinuri rin ni Manager Dave Roberts ang kanyang koponan at hinikayat ang mga fans na suportahan muli sila. Samantala, nagpaalam na si Clayton Kershaw matapos ang 18 taon bilang Dodger, at sinabi niyang siya ay “champion for life.”