
Ang Meta, may-ari ng Facebook, ay nagbawas ng humigit-kumulang 600 trabaho sa kanilang Artificial Intelligence (AI) division upang gawing mas epektibo ang operasyon matapos ang mabilis na pagdami ng empleyado nitong mga nakaraang taon.
Ayon sa ulat, ang pagbabawas ay hindi makakaapekto sa TBD Lab ni CEO Mark Zuckerberg, na kilala sa pagkuha ng mga top AI researchers mula sa mga kumpanya tulad ng OpenAI at Apple kapalit ng mataas na sahod na umaabot sa milyon-milyong piso.
Ang mga apektadong empleyado ay mula sa mga team na nakatuon sa AI products at infrastructure. Layunin ng hakbang na ito na mapataas ang efficiency ng kumpanya habang ipinagpapatuloy pa rin ang mga malalaking proyekto sa artificial intelligence.
Ayon sa memo mula kay Chief AI Officer Alexandr Wang, ang pagbabawas ng mga posisyon ay magpapabilis sa paggawa ng mga desisyon dahil “mas kaunting pag-uusap ang kakailanganin.”
Sa kabila ng pagbabawas, patuloy pa rin ang Meta sa pagpapalakas ng kanilang AI technology bilang bahagi ng mas malawak na plano upang mapanatili ang kanilang puwesto sa tech industry.




