
Ang Amazon ay mas pinabilis ang automation ng kanilang mga warehouse gamit ang artificial intelligence (AI) at robotics. Layunin nitong mapabuti ang bilis at kalidad ng trabaho sa kanilang operasyon habang ginagamit ang makabagong teknolohiya.
Ipinakita ng kumpanya ang kanilang bagong robotic arm na “Blue Jay”, na kayang pumili, mag-sort, at mag-ipon ng mga produkto sa iisang workstation. Ang Blue Jay ay kasalukuyang sinusubukan sa South Carolina at sinundan ng “Vulcan” robot na may kakayahang maramdaman ang mga bagay habang nagtatrabaho.
Ayon kay Tye Brady, chief technologist ng Amazon Robotics, dahil sa AI ay nabawasan ng halos dalawang-katlo ang oras para magdisenyo at gumawa ng robot—mula sa karaniwang tatlong taon, nagawa na lamang ito nang bahagyang lampas sa isang taon. “’Yan ang kapangyarihan ng AI,” sabi ni Brady.
Tiniyak ni Brady na hindi mawawalan ng trabaho ang mga tao dahil sa mga robot. Sa halip, ang mga ito ay ginawa upang gawing mas ligtas, mas matalino, at mas magaan ang trabaho ng kanilang mga empleyado.
Bukod sa warehouse automation, ipinakita rin ng Amazon ang AI agent na kayang mag-manage ng mga robot at team nang sabay. Mayroon din silang bagong smart glasses na may camera at navigation system para tulungan ang mga driver sa pagde-deliver ng mga order.




