
Ang U.S. Mint ay maglalabas ng commemorative ₱75 coin sa 2026 bilang paggunita kay Steve Jobs, co-founder ng Apple. Bahagi ito ng American Innovation Program na nagbibigay-pugay sa mga makabagong imbensyon at innovator mula sa California.
Idinisenyo ang coin na nagpapakita ng batang Steve Jobs na nakaupo ng cross-legged, may background ng Northern California hills. Makikita rin dito ang sikat niyang quote: “MAKE SOMETHING WONDERFUL.” Ayon sa U.S. Mint, ang disenyo ay simbolo ng kanyang inspirasyon na gawing simple at natural ang teknolohiya.
Si Jobs ay kinikilala bilang lider sa pagbabago ng personal computing gamit ang Apple II at Macintosh, at sa pagbabago ng music at mobile industry sa pamamagitan ng iPod at iPhone.
Kasama sa 2026 Innovation Coins ang iba pang obra gaya ng Cray-1 Supercomputer at Mobile Refrigeration. Ang mga coin ay limited edition at hindi gagamitin sa pangkaraniwang sirkulasyon.
Ang collectible coin ay mabibili sa halagang ₱770 bawat isa, at inaasahang magiging in-demand para sa mga tech fans at coin collectors.




