
Ang isang babae ay ligtas na nanganak habang kasagsagan ng lindol 7.4 magnitude sa Davao Oriental noong Oktubre 10, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Bryan Dalid ng DOH-Davao Regional Medical Center, ginamitan ng mobile curtain para sa privacy ng ina. Isinagawa ang panganganak ng resident OB doctor at isang midwife.
Kasama siya sa 662 pasyente na inilikas mula sa ospital bilang pag-iingat. Matapos ang panganganak, ang ina at sanggol ay ligtas at nasa maayos na kondisyon. Babalik sila para sa follow-up checkup.
Sinabi rin ng DOH na ang gastusin ng panganganak ay sasagutin ng Zero Balance Billing program kaya wala nang babayaran ang pasyente.
Batay sa ulat ng NDRRMC, umabot sa 8 namatay at 146 sugatan dahil sa magkasunod na lindol na yumanig sa Davao Oriental.