
Ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nanindigan na ang mga tapat at dedikadong lingkod bayan ang tunay na mukha ng gobyerno, at hindi ang mga tiwaling opisyal na sangkot sa mga isyu ng P100 bilyong flood control projects.
Sinabi ni Marcos na hindi dapat husgahan ang lahat ng kawani ng gobyerno dahil lamang sa iilang opisyal na nadadamay sa mga anomalya. “Hindi sila ang mukha ng gobyerno, sila ay mukha ng korapsyon,” ayon sa Pangulo sa kanyang podcast.
Ibinahagi rin niya na sa kanyang pag-inspeksyon, maraming proyektong flood control ang natuklasang substandard, kulang, o hindi natapos. Kaya’t inilabas niya ang listahan ng lahat ng proyekto upang makita ng publiko kung saan napupunta ang pondo.
Dagdag pa ni Marcos, maraming empleyado sa gobyerno ang nagsasakripisyo — lumalayo sa pamilya, gumagastos mula sa sariling bulsa, at patuloy na nagbibigay ng serbisyo araw-araw. Aniya, ito ang mga tunay na huwaran ng pamahalaan.
Kamakailan, bumuo si Marcos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang siyasatin ang lahat ng proyekto sa nagdaang 10 taon. Tiniyak niya na mananatiling independyente ang komisyon at walang panghihimasok mula sa Malacañang.
3zotcf
6otsj2