
Ang vivo V60 Lite ay ilulunsad sa Oktubre 19 at siguradong papatok sa mga kabataang Pinoy na mahilig sa kulay at style. May bagong kulay na Pop Pink na playful at empowering, bagay sa mga mahilig mag-selfie at OOTD.
May sukat na 7.59mm manipis at timbang na 194g, kaya magaan dalhin kahit whole day scrolling, gaming, o panonood ng K-drama. May 6.77-inch AMOLED display na may 120Hz refresh rate at HDR10+, kaya bawat video at picture ay sobrang linaw at buhay na buhay ang kulay.
Sa likod, ang Transparent Camera Module ay may simple at premium look. Sakto ito sa portrait o landscape shots na hindi awkward gamitin. May tatlong kulay na puwedeng pagpilian: Pop Pink, Titanium Blue, at Elegant Black—lahat ay may classy at unique vibe na swak sa personality mo.
Hindi lang ito simpleng phone, kundi accessory na bumabagay sa bawat outfit at lifestyle. Mula school hanggang gimmick, kaya nitong sabayan ang galawan mo habang dala ang slim at stylish design.