
Ang OpenAI naglunsad ng Sora 2, bagong AI video generator na may mas malinaw na realism, tamang physics, at synchronized sound effects. Mas pinadali nito ang paggawa ng AI videos kumpara sa mga lumang models.
Kasabay ng Sora 2, inilunsad ang Sora social app, invite-only sa iOS, na may TikTok-style feed kung saan lahat ng videos ay AI-generated. Pinakabagong feature ay Cameo, kung saan puwede mong ilagay ang verified likeness mo sa videos ng iba, gamit ang consent-based control.
May free tier na may generous limits ang Sora 2, habang ang Pro subscribers ay puwede makagamit ng high-fidelity version. Target ng app na magbigay ng mas mabilis at immersive AI video experience, at puwede ring remix at collaborate sa content ng iba.
Sa kasalukuyan, available ang Sora 2 sa US at Canada, at plano itong i-expand globally. Mga invited users makakatanggap ng invite sa Sora.com para subukan ang bagong app.
Ang presyo at subscription sa Pro tier ay aabot sa humigit-kumulang ₱1,500–₱2,000 kada buwan, depende sa exchange rate.