Ang aktres na si Alexa Miro ay umamin na minsan siyang naging karelasyon ng Ilocos Norte First District Representative at anak ng Pangulo na si Sandro Marcos.
Sa isang panayam, sinabi ni Alexa na tumagal ng limang taon ang kanilang relasyon. Inilihim umano nila ito dahil sa kaligtasan at dahil kabilang si Sandro sa First Family. Matagal nang nali-link ang dalawa ngunit palagi nilang itinanggi at sinasabing magkaibigan lamang sila.
Ayon kay Alexa, nasaktan siya sa mga huling nangyari at doon niya naisip na panahon na para magsabi ng totoo. Binanggit din niya na may kinalaman ang aktres na si Franki Russell, na minsan niyang sinubukan kausapin ngunit kalaunan ay na-block niya sa social media para sa sariling kapayapaan.
Sa kabila ng lahat, sinabi ni Alexa na wala siyang galit kay Sandro at nananatiling bukas ang posibilidad ng muling pagkakaayos. Nilinaw din niyang hindi ito para sa publicity, kundi simpleng pagpapahayag ng kanyang damdamin.
“Nasaktan talaga ako sa mga nangyari kaya siguro naramdaman ko na panahon na para magsabi ng totoo,” pahayag ni Alexa.