Ang live action ng sikat na manga Sakamoto Days ay nakumpirma na at nakatakdang ipalabas sa spring 2026. Kasabay ng anunsyo, inilabas din ang unang key visual kung saan makikita si Taro Sakamoto na kumakain ng instant noodles habang humaharang ng bala gamit ang chopsticks — eksenang tumutukoy sa kakaibang halo ng normal na buhay at biglaang aksyon.
Si Ren Meguro, isang kilalang aktor at J-pop idol, ang gaganap bilang Taro Sakamoto. Siya ang magpo-portray ng parehong chubby at slim na bersyon ng karakter. Gagamit ng SFX makeup at prosthetics upang makuha ang mala-cartoon na itsura ni Sakamoto. Ayon sa production, halos apat na oras araw-araw ang kailangan para sa paghahanda bago magsimula ang shooting.
Yuichi Fukuda ang hahawak bilang direktor, habang si Keiya Taguchi naman ang magsusupervise ng action choreography. Kilala si Fukuda sa paggawa ng mga live action na puno ng comedy at intense fight scenes, kaya mataas ang excitement ng mga fans para sa proyektong ito.
Ang live action ng Sakamoto Days ay ipapalabas sa Japan sa Golden Week ng 2026. Malaki ang inaasahan ng mga tagahanga dahil inaasahang dadalhin ng pelikula ang parehong saya at aksyon ng manga sa malaking screen.