
Ang AirAsia ay may promo fares para sa mga pasahero mula Cebu. Simula Sept. 15 hanggang Sept. 28, 2025, puwede ka nang mag-book ng flights papuntang iba’t ibang destinasyon sa mababang presyo.
Mula Cebu, may one-way flights na ₱118 papuntang Caticlan, ₱188 papuntang Iloilo, at ₱228 papuntang Davao. Para sa international trips, may promo rin na ₱888 papuntang Macau at ₱1,888 papuntang Kuala Lumpur. Ang travel period ay mula Nov. 15, 2025 hanggang March 28, 2026.
Kung kulang ang budget, puwedeng mag-avail ng Value Pack LITE para sa domestic flights na nagsisimula sa ₱636, kasama na ang 15kg baggage at standard seat. Para naman sa international flights, may Value Pack simula sa ₱878, kasama ang 20kg baggage, standard seat, hot meal, at travel insurance.
Simula Nov. 15, 2025, mag-ooperate na rin ang AirAsia ng direct flights mula Cebu papunta sa tatlong domestic at dalawang international destinations. Mas marami pang ruta ang iaanunsyo.
Para makakuha ng promo, puwedeng mag-book online o sa AirAsia app. Terms and conditions apply at ang mga presyo ay hindi pa kasama ang fees at surcharges.