Ang Alas Pilipinas men’s volleyball team ay mas lalo pang tumibay ang pag-asa matapos ang kanilang magandang laban sa FIVB Men’s World Championship. Kahit nasa ika-81 ranking, nagulat ang lahat nang matapos sila sa ika-19 mula sa 32 teams.
Ayon kay PNVF president Tats Suzara, kung magpapatuloy ang ganitong laro sa darating na SEA Games sa Thailand, malaki ang tsansa na makuha ang inaasam na ginto. Kahit natalo sa dikit na laban kontra Iran, napatunayan ng team na kaya nilang makipagsabayan sa malalakas na bansa.
Nakuha nila ang isang panalo laban sa Egypt, isang dating kampeon sa Africa. Sa pagtatapos, naging pangalawa sila sa pinakamataas na ranggo mula Asia — malaking bagay na nagbibigay babala sa mga kalaban sa SEA Games.
Para kay Bryan Bagunas at Mack Espejo, ang susi ay ang sipag, disiplina, at pagiging humble. Ayon kay Bagunas, kailangan lamang ipagpatuloy ang pag-improve at manatiling consistent. Dagdag ni Espejo, malayo na ang narating ng men’s volleyball dahil sa pagsusumikap sa nakaraang taon.
Kung magpapatuloy ang kanilang dedikasyon, malaki ang posibilidad na ang Alas Pilipinas ay makapag-uwi ng kauna-unahang gold medal sa SEA Games — isang panalo na siguradong ipagdiriwang ng buong bansa.