Ang Vice President Sara Duterte ay humarap mag-isa sa House committee on appropriations para sa deliberasyon ng P903 milyon na budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026. Sa loob ng halos isang oras, mabilis itong naaprubahan.
Ipinaliwanag ni Duterte na siya lang ang dumalo dahil maraming opisyal ng OVP ang nakaranas ng takot at pagkabalisa matapos ang nangyari sa kanyang chief of staff noong 2024 na nakulong matapos ma-cite in contempt.
Nilinaw din ni Duterte na hindi siya gumamit ng pera ng gobyerno para sa kanyang 13 biyahe abroad. Ayon sa kanya, ang ₱7.47 milyon na nagastos ay para lamang sa security at staff ng OVP. Ang AFP ang nagdedesisyon kung ilang security personnel ang sasama sa kanyang biyahe.
Pinayagan din si Duterte na ma-interpellate ng ilang miyembro ng minority bloc, at kusang loob niyang ni-waive ang parliamentary immunity. Gayunman, tumanggi siyang sagutin ang usapin tungkol sa confidential funds dahil sa payo ng kanyang mga abogado.
Binigyang-diin ni Duterte na ang mga tanong mula sa Makabayan bloc ay bahagi ng politikal na pag-atake laban sa kanya, lalo na kaugnay ng isyu ng impeachment at ng halalan sa 2028.