
Ang NBA superstar na si Victor Wembanyama ay papasok na rin sa mundo ng entertainment sa pamamagitan ng animated series na pinamagatang Alien Dunk. Inspired ito sa kanyang kilalang palayaw na “Alien” at layong ipakita ang kakaibang kwento na konektado sa basketball at sci-fi adventure.
Sa kwento, makikita ang teenage version ni Wembanyama na natuklasan na isa pala siyang alien mula sa isang planeta kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang basketball. May misyon siyang iligtas ang kanyang mundo habang pinagsasabay ang buhay bilang isang teenager at ang kanyang pangarap na maging NBA star. Target ng palabas ang kids at family audiences, kaya inaasahang magiging inspirasyon at aliw para sa mga manonood.
Bilang co-creator at executive producer, aktibong nakikilahok si Wembanyama para mas maging personal ang series. Isa rin itong paraan para makilala siya ng mga young fans hindi lang sa basketball court, kundi pati na rin sa larangan ng entertainment.
Ang Alien Dunk ay hindi lang basta animated series dahil ito rin ang simula ng mas malaking franchise. Nakatakdang i-expand ito sa video games, publishing, at interactive experiences, na magbibigay daan para mas lumawak ang impluwensya ni Wembanyama sa buong mundo.
Sa kasalukuyang palitan, ang NBA contract ni Wembanyama na nasa halos ₱5.6 bilyon kada taon ay patunay ng kanyang laki ng pangalan. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nagiging malaking hakbang din ang kanyang pagpasok sa entertainment industry.