Ang suspek sa pagpatay kay kilalang US activist Charlie Kirk ay naaresto na matapos isumbong ng isang kamag-anak. Ayon sa awtoridad, si Tyler Robinson, 22 anyos, ay sumuko matapos ipaalam ng kanyang pamilya sa pulis.
Si Kirk, 31 anyos, ay binaril sa leeg habang nagsasalita sa isang pagtitipon sa Utah Valley University. Kilala siya bilang malakas na boses ng far-right movement at naging malaking suporta ni Donald Trump noong nakaraang eleksyon.
Sa imbestigasyon, nadiskubre ng pulis ang mga bala na may nakasulat na anti-fascist slogans tulad ng “Hey, fascist! Catch!” at “Bella ciao.” Natagpuan din ang ginamit na high-powered rifle malapit sa lugar ng insidente.
Maraming taga-suporta ang nagtipon para sa vigil suot ang mga MAGA caps at may dalang bandila ng Amerika. Marami ang nagsabing hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Si Trump naman ay naghayag na nais niyang death penalty para sa suspek. Ang kabaong ni Kirk ay dinala pabalik sa kanyang hometown sa Phoenix gamit ang opisyal na eroplano ng gobyerno.