
Ang totoo, hindi ko na alam kung paano pa yung mainlove. Ang tagal ko na kasing mag-isa, at parang nakasanayan ko na na wala akong kasama sa buhay. Ngayon, biglang may dumating na tao, pero natatakot ako kung paano haharapin ito.
I’m 32 years old, at never pa talaga akong nagka-boyfriend. Sanay na ako na ako lang, na sarili ko lang ang iniintindi. Laging work, laging friends, laging pamilya. Wala talagang seryosong relasyon. Hanggang sa nakilala ko itong 47-year-old foreigner sa isang dating app. Nasa halos dalawang buwan na kaming nag-uusap, nasa getting-to-know stage pa lang, pero ramdam ko na mabuti siyang tao. May mga qualities siya na matagal ko nang gusto at hinahanap.
Sinabi niya na in love na siya sa akin. Hindi lang isang beses, kundi ilang ulit na niyang kinumpirma ang feelings niya. Lagi niyang sinasabi na kailangan daw niya ng katulad ko—isang taong may matatag na values, marunong mag-alaga, at totoo. Lagi rin niya akong pinaparamdam na mahalaga ako, na appreciated ako, at hindi ako invisible. May mga plano siya, at lagi niyang sinasabi na kung kami talaga, gusto niyang isama ako sa goals niya sa buhay. Handa daw siyang kausapin ang pamilya ko, anytime na gusto ko. Doon ako lalo na-touch kasi hindi siya nagmamadali, hindi siya nangungulit—kundi patient siya at willing maghintay.
Pero ako, mahirap. Kasi introvert ako, sobrang protective sa sarili. Palagi akong nag-iisip ng worst-case scenario. Lagi akong may duda, at lagi kong iniisip kung totoo ba yung nararamdaman ko o baka overwhelmed lang ako sa effort at sweetness niya. Hindi ko alam kung mahal ko na rin siya o baka nahihiya lang akong tanggihan lahat ng effort niya. Kasi sa totoo lang, parang nakalimutan ko na kung paano magmahal.
Sanay na kasi ako na ako lang. Sanay ako na umuuwi mag-isa, kumakain mag-isa, at natutulog mag-isa. Kahit lumalabas ako, kadalasan kasama ko lang ang mga kaibigan ko. Hindi ko naisip na darating ang panahon na may taong papasok at gugustuhin akong isama sa buhay niya. Kaya ngayon, habang naririto siya at ipinapakita ang pagmamahal niya, ako naman ay natataranta at natatakot.
May mga araw na gusto ko siyang tanggapin nang buo, kasi ramdam ko naman na sincere siya. Pero may mga araw din na parang gusto ko siyang itaboy kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ang hirap kasi kapag nasanay kang mag-isa. Parang naging proteksyon ko na ang hindi magmahal, para hindi masaktan. Pero sa tuwing naaalala kong umaalis siya o nawawala siya sandali, may kirot pa rin sa puso ko.
Siguro, ang hirap lang tanggapin na baka may dumating na tamang tao, pero ako mismo ang takot na yakapin siya. Hindi ko alam kung handa na ba akong magmahal, pero sigurado ako na may parte ng puso ko na gustong subukan. Natatakot man ako, umaasa pa rin ako na baka siya na nga yung taong hinihintay ko nang matagal.