
Ang totoo, nahihirapan na ako. May boyfriend ako ngayon (26M), at ako ay 25. Mahigit apat na buwan na kaming magkasama, pero hanggang ngayon, hindi pa niya ako naipopost o na-iistory kahit isang beses sa social media. Hindi pa rin ako nakikilala ng pamilya at mga kaibigan niya, ni simpleng bati man lang sa Facebook ay wala.
Napapaisip tuloy ako, bakit parang sekreto ako? Kasi alam ko, dati, yung ex niya halos araw-araw niyang pinopost. Kahit simpleng date nila, laging may story. Kahit maliit na bagay, ibinabahagi niya. Pero sa akin, kahit nung nag-out of town kami, yung lugar lang ang pinost niya pero never ako. Ang masakit pa, kilala pa ng family niya yung ex niya, pati nanay at ate niya binabati pa ng happy birthday sa social media. Samantalang ako, wala.
Sinabi ko na ito sa kanya. Sabi niya, natuto na raw siya ngayon maging private at hindi kailangang ipakita lahat online. Naiintindihan ko naman yun, pero bakit parang ako lang ang hindi niya kayang ipost? Sa halip na matawag akong girlfriend niya, nararamdaman ko na parang tinatago niya ako.
Hindi ko hinihingi na araw-araw niyang ipost ang mukha ko o mga ginagawa namin. Isang beses lang sana, sapat na. Gusto ko lang maramdaman na proud siya sa akin, na kaya niya akong ipakilala kahit sa maliit na paraan. Kahit simpleng story lang na magkasama kami, malaking bagay na yun para sa akin.
Alam ko na hindi maganda ang mag-compare, pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko hindi ako enough. Gusto ko lang ma-acknowledge, kahit maliit na bagay. Ang sakit na maramdaman na parang ako yung sekreto niya, samantalang dati, ibang tao kaya niyang ipakita sa lahat.
Hindi ko sinasabi na galit ako sa kanya, pero galit ako sa pakiramdam ng pagiging tago. Gusto ko ng respeto, gusto ko ng pagmamalaki. Tanong ko, mali ba ako na humihiling kahit isang simpleng post lang? Immature ba ako kung nararamdaman ko na hindi niya ako kayang ipakita sa mundo niya?