
Ang McDo ay pumasok sa makulay na mundo ng Encantadia sa pamamagitan ng bagong Encantadia-Inspired Floats at Meals. Ito ay bahagi ng kanilang espesyal na kolaborasyon para sa spin-off na "Sang’gre".
Kasama sa bagong handog ang apat na McFloat flavors na kumakatawan sa mga karakter na sina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra. Ang Flamarra float ay fruity at tangy, ang Deia ay matamis, ang Adamus ay refreshing at malamig ang dating, habang ang Terra ay may twist ng citrus.
Ayon kay Ada Lazaro, chief marketing officer ng McDo Philippines, layunin ng kampanya na maghatid ng feel-good moments at ipagdiwang ang yaman ng Filipino pop culture.
Kasama rin dito ang espesyal na Sang’gre Meal na binubuo ng Chicken McDo (₱89) at may kasamang limited-edition Sang’gre photocard na mapupunta nang random sa bawat order.
Ang kolaborasyon na ito ay ginawa para sa mga solidong Encantadia fans na patuloy na sumusuporta mula pa noong 2005, nang unang lumabas ang mahiwagang mundo ng mga Sang’gre.