
Ang viral na crocodile bag ni Senadora Imee Marcos ay kinumpirma niyang nabili niya online. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya na ang "punk style crocodile handbag," na tinawag niyang "BB," ay nabili niya sa halagang ₱2,574.
Ayon sa post, ang handbag ay may adjustable strap, zipper closure, polyester lining, at edge-painted details. May sukat itong 19.3 inches ang haba at 5.1 inches ang taas. Available din ito sa red, black, at dark brown.
Maraming nagbigay ng positibong review sa bag na ito, sinasabing may "great quality" at "good design." Para sa presyo na nasa ₱2,000+, marami ang natuwang abot-kaya na ito at maganda pa ang dating.
Sa kanyang pagdating sa Senado, dala ni Marcos ang naturang bag at pabirong sinabi na nakahuli siya ng "buwaya," na tumutukoy sa mga tiwaling pulitiko. Aniya, kahit abala ang lahat sa usapan tungkol sa mga bagong pinuno ng komite, agaw-pansin ang BB bag na dala niya.
Para sa mga mahilig sa fashion, makikita na kahit abot-kaya ang presyo, kaya nitong mag-trending at magdala ng eksena, gaya ng nangyari kay Senadora Marcos.