Ang eleganteng detective na si Benoit Blanc ay muling babalik sa pelikulang Wake Up Dead Man: A Knives Out Mystery. Ipinakita sa opisyal na teaser ang mas madilim at gothic na kuwento, malayo sa maliwanag na eksena ng nakaraang pelikula.
Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa piling sinehan simula Nobyembre 26, 2025, at mapapanood online sa Disyembre 12, 2025. Tinatayang aabot sa ₱450 milyon ang budget nito bago lumabas sa streaming.
Ang bagong misteryo ay iikot sa pagpatay sa isang karismatikong pero mahigpit na monsignor sa isang simbahan sa New York. Dahil sa “impossible crime,” tatawagin muli si Daniel Craig bilang Blanc para makipagtulungan sa lokal na pulis.
Ipinakita rin sa teaser ang bagong ensemble cast na kinabibilangan nina Josh O’Connor bilang pari, Glenn Close bilang debotong mananampalataya, at Josh Brolin bilang Monsignor. Kasama rin sa line-up sina Mila Kunis, Jeremy Renner, Kerry Washington, Andrew Scott, Cailee Spaeny, Daryl McCormack, at Thomas Haden Church.
Mas seryoso at puno ng faith, logic, at redemption ang tema ngayon kumpara sa mga naunang kabanata. Ang istilo ng direktor na si Rian Johnson ay muling pinagsama ang homage at bagong twist para sa isang kapanapanabik na puzzle na siguradong tatatak sa mga manonood.