Ang bagong edition ng Sushi Club x Nike Air Force 1 Low ay opisyal na ibabalik ngayong Fall 2025. Dati itong inilabas bilang Friends & Family exclusive noong October 2024, pero ngayon ay magkakaroon na ng mas malawak na release sa presyong nasa ₱8,500.
Naka-highlight sa design ang kombinasyon ng white leather build na may dark beige suede swoosh, dagdag pa ang mga foil-stamped insignias at stitch branding sa loob ng dila ng sapatos. Mayroon din itong debossed “Sushi Club” imprint sa gilid na nagbibigay ng premium na dating.
Sa detalye naman, kapansin-pansin ang metallic insole insignias at ang co-branding sa tongue at heel na naka-white at gray. Ang pares ay nakapatong sa white midsole at outsole na mas pinaganda ng silver chopstick-shaped lace dubraes, na nagsisilbing espesyal na touch para sa koleksyon.
Ngayong release, mas maraming sneaker fans ang magkakaroon ng chance na makuha ang tinaguriang “Sushi Force One”, isang kombinasyon ng iconic na Nike Air Force 1 look at luxurious na Japanese-inspired elements.