Ang Sekiro: No Defeat ay opisyal na inanunsyo bilang anime adaptation ng sikat na laro Sekiro: Shadows Die Twice. Ipinakita ito sa Gamescom 2025 Opening Night Live at nakatakdang ilabas sa 2026.
Mananatiling tapat sa tema ng laro, tampok dito ang Sengoku-era setting na puno ng laban para sa katapatan, paghihiganti, at misteryo. Hand-drawn ang animation kaya bawat eksena ay magdadala ng parehong intensity ng laro.
Pinamumunuan ang proyekto ni Kenichi Kutsuna, kilala sa kanyang animation work sa Naruto Shippuden at Bleach. Kasama niya si Takuya Satou para sa script at si Takahiro Kishida para sa character design.
Ito ay isa sa mga inaabangan ng anime fans dahil hatid nito ang kakaibang cinematic approach sa kwento. Eksklusibo itong mapapanood sa streaming platform simula 2026.