Ang Manila Bay ay nakahakot ng higit ₱23,000 halaga ng basura o katumbas ng 23,000 kilo, sa loob lamang ng pitong araw ng isinagawang coastal clean-up sa Libertad Channel sa Pasay City.
Layunin ng malawakang paglilinis mula Agosto 7 hanggang 15 na mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila at maprotektahan ang kalusugan ng mga residente laban sa toxic na basura at iba pang panganib.
Nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang alisin ang mga basurang humaharang sa mga daluyan ng tubig at nagdudulot ng mas malalang problema sa kapaligiran.
Ang gawaing ito ay suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magpatuloy ang mga aktibong hakbang upang labanan ang matagal nang suliranin sa basura at pagbaha.